Books

Pag-ibig Ayon Sa Librong Para Kay B Ni Ricky Lee

12:45 PM

Pag-ibig Ayon Sa Librong Para Kay B Ni Ricky Lee


Para Kay B ni Ricky Lee

“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala.

Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit.

Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.” 



“Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.” 




“Samantalang sa tunay na buhay, pag nangyari, iyon na. Walang revision.” 



"Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira.

Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad.

Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan.

Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.

Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy."



"Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya."




Hey, did you find this post helpful or entertaining? Please go ahead and share.
Share buttons on the left and at the bottom of the article. Big thanks!

Subscribe to About Life And Love by Email

Wait! I've got more stories for you...

1 comments

  1. Great quotes! Ano ba yan, pinag-iisip mo na naman ako, hahaha! Mabili nga iyang libro na 'yan. This one is my favorite: “Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.”

    ReplyDelete

If you're having a problem posting your comment in the box, please comment on this link instead. Thank you very much

Subscribe

Total Pageviews